Pagpapabalik sa bansa kay Joma Sison, ipauubaya na ng militar sa “political leadership”

Ipauubaya na ng militar sa “political leadership” ang pag-“extradite” o ang pagpapabalik sa bansa kay CPP Founding Chair Jose Maria Sison mula sa the Netherlands.

 

Sinabi ito ni  AFP Spokesperson Gen. Edgard Arevalo, kasabay ng pahayag na ang tinututukan ngayon ng afp ay ang makasuhan si sison at kanyang mga kasamahan.

 

Sa pahayag pa ni Arevalo sinabi nito na  si Sison at ang kanyang mga kapwa pinuno ng kilusang komunista ang responsable sa pagpapatay sa libo-libo nilang mga sariling kasamahan na pinaghinalaan na bumaliktad sa gobyerno.


 

Aniya pa  umaabot na sa 80 libo ang mga biktima ng pagpatay ng NPA, kabilang ang mga non-combatant na sibilyan, mga bata at matatanda, sa nakalipas ng 50 taong kasaysayan ng terroristang grupo.

 

Ang lahat ng ito ay kailangang aniyang panagutan ni Sison, na kasalukuyang namumuhay ng kumportable sa the Netherlands.

 

Una naring sinabi ni Arevalo na isusumite ng AFP sa EU ang mga ebidensyang magpapatunay na ang milyong eurong donasyon na tinatanggap ng front organizations ng NPA ay napupunta lang sa terrorismo at kinukurakot ng mga matataas na lider komunista.

Facebook Comments