MANILA – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapanumbalik ng Reserved Officers Training Course o ROTC sa grades 11 at 12 sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa bansa.Ito ang napagkasunduan matapos imungkahi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na amiyendahan ang Republic Act 7077 para maging mandatory ang ROTC.Iginiit ni Lorenzana na sa pamamagitan ng ROTC, maipamumulat ang pagmamahal sa bansa, paggalang sa human rights, at pagsunod sa konstitusyon.Sesertipikahang “urgent bill” ng pangulo ang pagpapanumbalik sa ROTC at agad itong isusumite sa Kamara at Senado.2002 nang ipatupad sa ilalim ng Arroyo Administration ang Republic Act 9163 o ang National Service Training Program (NSTP) Act.Nakasaad rito na optional o voluntary na lang ang ROTC.
Pagpapabalik Sa Reserved Officers Training Corps Sa Senior High School, Inaprubahan Na Ni Pangulong Rodrigo Duterte
Facebook Comments