Pagpapabaya sa pagpapatupad ng anti-dengue vaccination program, nasilip sa Dengvaxia case ni Garin

Manila, Philippines – Nagpabaya sina dating Health Secretary Janette Garin at iba pang mga opisyal ng DOH, FDA at RITM sa implementasyon ng malawakang anti-dengue vaccination program.

Ayon sa DOJ panel of prosecutors, batay sa registration na inisyu sa Dengvaxia, ito ay isang prescription drug na dapat ay mga lisensyadong doktor at nurse lamang ang magbakuna.

At dahil sa prescription drug ang Dengvaxia, kailangan na kunin muna ang informed consent ng mga tuturukan.


Gayunman, ang nangyari anila ay mga barangay health workers na hindi naman otorisado na magbakuna ang mismong nagturok sa mga bata ng Dengvaxia.

Pinagbatayan din ng DOJ sa resplusyon ang pahayag ng mga magulang ng mga biktima na hindi isinailalim sa physical examination ang kanilang anak o tinanong ukol sa lagay ng kanilang kalusugan.

Pinuna rin ng panel ang Sanofi Pasteur dahil sa kabiguan nito na i-monitor at magsagawa ng close surveillance sa mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Napag-alaman pa ng DOJ na hindi nagpaabot ang Sanofi ng anumang tulong medikal sa mga biktima at mga pamilya nito kahit lumabas na ang ulat sa masamang idinulot ng bakuna sa mga bata.

Facebook Comments