Pagpapabilis ng vaccination drive sa buong bansa, pagpupulungan ngayong araw ng DILG kasama ang mga alkalde at gobernador sa buong bansa

Magpupulong ngayong araw ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang mga alkalde at gobernador sa bansa.

Ito ay para pag-usapan ang pagpapabilis ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa at tugon na rin sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang maharap sa kaso ang sinumang Local Government Units (LGUs) na may problema sa kanilang vaccination drive.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, sa mga lugar sa labas ng Metro Manila ay tanging ang Cordillera Administrative Region (CAR) lamang ang may mataas na antas ng pagbabakuna mula sa kanilang target.


Wala namang dapat idahilan ang mga LGU kung bakit mabagal ang bakunahan sa kanilang lugar.

Sa ngayon, umabot na sa 27.4 milyon sa kabuuang target na 109 milyong Pilipino ang nabakunahan na sa bansa kontra COVID-19.

Facebook Comments