Pagpapabilis sa internet connection sa bansa, tututukan ng susunod DICT Secretary

Tiniyak ni incoming Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na tutukan nito ang pagkakaroon ng mabilis na internet connection sa bansa.

Ayon kay Uy, isa sa mga direktiba sa kanya ni President-elect Bongbong Marcos ay siguruhing mas marami pang Pilipino ang magkaroon ng access sa maayos na internet.

Dagdag pa ni Uy na bukod sa ‘internet speed’ ay kinakailangang tutukan din ang pagkakaroon ng internet ng mga malalayong lugar.


Aniya, marami kasing lugar sa bansa ang walang fiber cables at iba pang internet connection dahil hindi ito nakikitang ‘profitable’ ng mga telco companies.

Dahil dito, sisiguraduhin ng DICT na gagawa ito ng hakbang para sa mas maayos at abot-kayang internet connection sa Pilipinas.

Facebook Comments