Pagpapabilis sa pagdating ng pangakong ayuda ng gobyerno, ipinanawagan ng ilang labor groups

Nanawagan ang ilang grupo ng manggagawa sa bansa na pabilisin ang pagdating ng pangakong ayuda ng gobyerno para sa mga naapektuhan ng isang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at ilan pang nalalapit na lalawigan.

Ito ay matapos aprubahan na kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng ayuda sa nasa 23 milyong katao.

Ayon kay Christian Lloyd Magsoy, Tagapagsalita ng Defend Jobs Philippines, maraming hirap na pinagdaanan ang mga manggagawa para makakuha ng ayuda dahil sa dami ng aberyang nararanasan sa mga ahensiya ng gobyerno.


Habang paliwanag ni PISTON National President Mody Floranda, duda sila na maibibigay sa tamang oras ang bagong pangakong ayuda.

Hindi pa rin kasi natatanggap ng karamihan ng mga tsuper ang pangakong ayuda ng gobyerno para sa ECQ noong 2020, at 100 porsiyento ng mga tsuper na nasa Central Luzon ay wala pang natatanggap na ayuda.

Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Duterte na gusto niya na maibigay ang ayuda sa unang linggo ng Abril.

Facebook Comments