Tinututukan ng Pamahalaang Panglungsod ng Dagupan ang pagpapabuti ng Alternative Learning System (ALS) sa pamamagitan ng 3rd ALS Regional Consultative Conference.
Nagsisilbing plataporma ang conference para sa malalimang talakayan sa pagitan ng DepEd Region 1 at DepEd Dagupan hinggil sa pagpapalakas ng implementasyon ng ALS at iba pang inisyatibong pang-edukasyon.
Ayon sa pamahalaang panlungsod, nananatiling pangunahing adbokasiya ang edukasyon, kabilang ang pagpapatupad ng mga proyekto, programa, at scholarship na naglalayong mapabuti ang learning environment ng mga mag-aaral.
Dagdag nito, binigyang-diin na ang pagpapahalaga sa edukasyon ay katumbas ng pagpapahalaga sa kinabukasan ng bawat pamilyang Dagupeño.
Tiniyak naman ng pamahalaang panglungsod ang patuloy na suporta sa sektor ng edukasyon, partikular sa Alternative Learning System na nagsisilbing tulay ng ilang mag-aaral na umangat sa buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





