PAGPAPABUTI NG ANTAS NG FUNCTIONAL LITERACY, TUTUTUKAN SA BUONG REGION 1

Puspusan ang inihahandang mga interbensyon ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at iba pang mga ahensya ng gobyerno upang tututukan ngayon ang pagpapabuti ng Functional Literacy ng mga estudyante sa buong Ilocos Region.

Sa naganap na Dagyaw 2025 na may temang “Sama-samang Hakbang Tungo sa Mataas na Antas ng Literasiyang Rehiyon Uno” sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG), tinalakay ang iba’t-ibang hamon at suliranin, at ang kalagayan ng sektor ng edukasyon sa rehiyon.

Sa ibinahaging datos, sa lahat ng rehiyon sa bansa, nanguna sa Functional Literacy ang Cordillera Administrative Region na may 81.2%, at huli ang Region IX na may 59.3% literacy rate.

Sa Region I, nasa 64.3 ang naitalang Functional Literacy, kung saan, sa apat na sakop na lalawigan, pinakamataas na rate ay ang La Union na nasa 71.5%, habang pinakamababa naman ang Pangasinan sa 62.3% na Functional literacy rate.

Dahil dito, nanindigan ang mga ahensya na palawigin ang mga programa at bubuo ng mga interbensyon na mas mapapabuti sa kabuuang kalagayan ng edukasyon sa rehiyon.

Hinikayat ang mga kaguruan, mga lokal na gobyerno, Civic Society Organizations at mga academic institution na makiisa sa layuning mapataas ang antas ng literasiya ng Rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments