Pagpapabuti ng pampublikong transportasyon sa bansa, dapat gawing prayoridad ng gobyerno  

Kailangang gawing prayoridad ng gobyerno ang pagpapabuti ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Ito’y matapos magdulot ng delubyong trapiko sa EDSA ang mahigpit na Yellow Lane policy sa EDSA.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat pagtuunan ng gobyerno ang kapakanan ng mga commuter.


Tingin din ni Robredo na hindi dapat tuluyang ipagbawal ang Provincial Buses sa EDSA.

Nabatid na nanindigan ang MMDA na hindi nila i-aalis ang polisiya sa kanila ng mga kritisismo.

Base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 2017, nasa ₱3.5 Billion ang nawawala dahil sa Metro Manila Traffic.

 

Facebook Comments