Sa ika-apat na bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na ginanap sa Great Hall of the People sa Beijing, China sumentro ang usapan sa patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at China, pagpapalago ng ekonomiya at pagtutulungan sa mga proyekto ng dalawang bansa.
Kasabay din nito ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa ikalawang Belt and Road Forum kung saan sinabi ni President Xi na mahalaga ang papel ni Pangulong Duterte sa naturang event.
Habang binigyang diin ni Pangulong Duterte ang agarang implementasyon ng mga nauna nang pinag-usapan nila ni President Xi sa mga nakalipas na bilateral meeting.
Dito ay dalawang bilateral agreement ang napagkasunduan.
Isa na rito ang exchange of letters on production capacity and investment cooperation kung saan magtutulungan ang National Economic Development Authority (NEDA) ng Pilipinas at National Development and Reform Commission (NDRC) ng China.
At pangalawa naman ang pag-hand-over ng certificate of grand aid para sa mga drug facility sa Sarangani at Agusan del Norte.