Isa si Senator Cynthia Villar sa mga nadismaya sa maraming aberya na nangyari sa katatapos na eleksyon tulad ng pumalyang SD cards at vote counting machines at naitalang mga karahasan.
Ayon kay Villar, kapuri puri na generally peacefull o mapayapag sa pangkalahatan ang naganap na halalan pero hindi ito sapat.
Iginiit ni Villar na dapat pag-aralang mabuti ang nararapat na aksyon para mapabuti ang mga susunod na Automated Election.
Samantala, taos puso namang nagpasalamat si Villar sa lahat ng sumuporta sa kanya na syang dahilan ng pangunguna niya sa isinasagawang bilangan ng boto.
Masaya si Villar na marami sa mga mamamayang Pilipino ang nagtiwala at naniwala na sya ay isa sa mga senador na makakatukong sa bayan.
Pinasalamatan din ni Villar ang mga taga Las Pinas na nagpanalo sa anak niyang si Camille para maging kongresista gayundin sa mga bomoto para sa kanyang mga kasamahan sa Nacionalista Party na sina Taguig Rep. Pia Cayetano at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.