CAUAYAN CITY – Nakaalerto na ang depensa ng South Korea sa muling pagpapadala ng tumpok na basura at dumi ng hayop ng North Korea gamit ang lobo.
Ayon sa military ng South, posibleng magpadala muli ngayong linggo ang North Korea ng mga dumi ng tao o hayop, at iba pang nakakasulasok na basura gamit ang malalaking lobo matapos na magpalipad ang kamakailan lamang ang mga South Korean Activist ng mga propaganda balloon sa teritoryo ng North.
Ang mga lobo ng aktibistang “Fighters for North Korea” ay naglalaman ng 200,000 Pyongyang leaflets na puno ng anti-Kim Jong Un, 100 radyo, at USB flash drives na naglalaman ng speech ng South Korean President Yoon Suk Yeol at maging iba’t ibang kpop music.
Ayon sa mga aktibista, ganti nila ito sa North sa ginawang pagtatapon ng mga ito ng aabot sa 15 toneladang basura sa kanilang bansa nitong nakaraang linggo lamang.