Inaprubahan sa joint hearing ng Committees on Metro Manila Development at Transportation para sa pagpapadala muna ng mensahe para sa mga nakalabag sa “No Contact Apprehension Policy”.
Nakalusot ang House Bill 5656 ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado na layong padalhan muna ng prior notification ang isang indibidwal na lumabag sa No Contact Traffic Apprehension bago ang written summon.
Tinukoy sa pagdinig na karamihan sa mga motorista ang nagugulat na lamang na mayroon pala silang paglabag sa batas trapiko kapag magpaparehistro ng sasakyan dahil sa kung hindi delayed ay hindi naman nakatanggap ang mga ito ng written summon.
Hinihimok ng panukala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) katuwang ang Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng text o email system upang impormahan ang lumabag na motorista sa kaniyang violation bagong ang pormal na reklamo.
Maaaring gamitin sa pagpapadala ng mensahe ang text, email, Facebook, Messenger or Viber message.