Aasahan sa mga susunod na panahon na mas maraming Pilipino ang makakapagtrabaho sa bilang health workers sa Singapore.
Ito ang inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Toots Ople sa ginanap na event ng Filipino Community kagabi rito sa Singapore na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ginanap na pagtitipon, sinabi ni Ople na mismong ang Singaporean government ang nagpahayag ng kagustuhan na mag-hire ng Filipino health workers.
Sobrang napabilib daw ng mga health workers ang singaporean gov’t sa kanilang pagta-trababo noong panahon ng pandemya,
Sa katunayan pirmado na ng Singapore’s Ministry of Health ang hiling na dagdag health workers.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos, na ang investments na ito ay magreresulta sa mas maraming trabaho sa bansa.
Bukod sa health workers pinagaaraalan din daw ng Singaporean gov’t ang pag-hire nang workers sa aviation services at maging engineers.