Pagpapadala ng dagdag na tulong para sa mga nilindol sa Batanes, naantala kahapon dahil sa sama ng panahon

Asahan nang maihahatid ngayong araw ang karagdagang tulong para sa mga pamilyang nabiktima ng lindol sa Itbayat, Batanes.

Kasunod nito ang pagkaantala kahapon na maihatid sa Batanes ng dalawang barko ng Phillippine Coast Guard ang 100 tents, 400 sleeping kits, at 10 rolyo ng laminated sacks mula sa DSWD- NRLMB.

Dahil sa masamang panahon kahapon dala ng tropical depression Hanna, napilitang dumaong sa Subic Port ang coast guard vessels.


Gayunman, may 65 family tents na nasa Basco port ang nagawa nang maideliver sa Itbayat.

Base sa ulat ng DSWD- Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, bagama’t nasa white alert level status na ang Disaster Response Management Bureau, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan nito sa DSWD Field Office 2 para sa anumang disaster response update.

Facebook Comments