Pagpapadala ng household service workers sa Kuwait, dapat limitahan

Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Senate President Koko Pimentel sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga mangagawang Pilipino sa Kuwait.

Kasunod ito ng naiselyong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Pero para kay Senator Pimentel, mas mainam kung magiging limitado lamang ang muling pagpapadala sa Kuwait ng mga household service workers.


Sa tingin ni Pimentel, mas makabubuti na ang itodo ay ang pagtatrabaho sa Kuwait ng mga engineers, managers, drivers, construction workers at iba pang skilled workers.

Facebook Comments