Pagpapadala ng karagdagang medical corps sa mga ospital sa bansa, iniatas na ni Pangulong Duterte sa PNP at AFP

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) na magpadala ng medical corps sa mga ospital sa bansa.

Kasabay ito ng pagtaas ng bilang ng mga health workers na tinatamaan ng COVID-19.

Ayon kay Pangulong Duterte, nakakabahala ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawa sa sakit lalo’t karamihan ng ospital sa bansa ay punuan na.


Agad namang sumunod sa direktiba si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na nagpadala na ng karagdagang nurses sa St. Luke’s Medical Center.

Sa ngayon, bumaba na sa 100,000 ang bilang ng mga Nurses sa bansa matapos umalis ang karamihan dahil sa mababang sahod at takot na mahawa ng COVID-19.

Facebook Comments