Iminungkahi ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang pagpapadala ng mga Pilipinong guro sa ibang bansa upang sumailalim sa pagsasanay.
Ito ang suhestiyon ng kalihim sa ikalawang cabinet meeting, kaugnay sa planong paigtingin ang curriculum ng edukasyon sa bansa.
Dito ay inihalimbawa ni Pascual ang bansang Vietnam, na nagpapadala ng mga guro sa United States para sa advance studies.
Inugnay nito ang ginagawa nilang pagtulong sa mga unibersidad na makagawa ng micro-credentialing system, upang makasabay sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya.
Nabanggit rin ni Pascual ang National University of Singapore, na nag-aalok ng mga kursong nakatutok sa teknolohiya, kung saan ang mga mag-aaral ay magagawaran ng micro-credential na kahalintulad ng diploma para sa maikling kurso.