Manila, Philippines – Pansamantalang ipinahinto ng gobyerno ang pagpapadala ng mga OFW sa Qatar.
Kasunod ito ng pagputol ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Egypt, Yemen, Maldives at Kingdom of Bahrain ng kanilang diplomatic ties sa Qatar.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello – itinigil mula ang lahat ng mga pag-proseso sa mga dokumento ng mga manggagawang pinoy na gustong magtrabaho sa Qatar.
Pinag-aaralan na rin aniya ang pagsasagawa ng repatriation para sa mga pinoy sa nasabing bansa.
Umapela rin si Bello sa mga pinoy sa Qatar na manatiling kalmado at patuloy na makipag-ugnayan sa mga labor offices doon.
Tinatayang nasa 140,000 OFW ang nasa Qatar pero posibleng umabot ito ng 200,000 kung isasama ang mga undocumented pinoy workers.
DZXL558