Pagpapadala ng pagkain at gamot sa NBP, pinahihintulutan na ng BuCor

Pinapayagan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapadala ng pagkain at gamot sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon sa BuCor Spokesperson at Assistant Secretary Gabriel Chaclag, unti-unti nang ibinabalik sa normal ang mga reformation program para sa mga preso.

Ito’y bunsod na rin ng banta ng COVID-19 sa bansa kung saan itinigil nila ang programa bilang pag-iingat sa virus.


Kabilang na dito ang mga religous services, education and skill program, work and livelihoood, sports and recreational at iba pa.

Matatandaan na tatlong linggo na ang nakakaraan nang maitala ng BuCor na 52 na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang huling naitalang nakarekober sa Covid-19.

Sa kasalukuyan naman ay tuloy-tuloy ang ginagawang operasyon ng BuCor sa maximum security compound para kumpiskahin ang mga ipinagbabawal na bagay tulad ng improvised deadly weapons, communication devices, gambling materials, sigarilyo at alak.

Facebook Comments