Pagpapadala ng relief goods sa mga kinauukulan, hindi raw naaantala ayon sa DSWD

Pinasinungalingan ng Department of Social Welfare and Development na may delayed sa distribution ng relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Naglabas ng paglilinaw ang DSWD dahil sa post na kumakalat sa Social Media na kaya umano naaantala ang pamamahagi ay dahil sa paglalagay pa ng DSWD Logo stickers sa mga canned goods.

Paliwang ng DSWD, hindi sila naglalagay ng logo sa mga canned goods, sa halip ay sa bawat Family Food Pack boxes lamang para sa tamang Identification at mamentina ang integridad ng Relief Supplies.


Bawat box ng Family Food Packs ay naglalaman ng 6 na kilo ng bigas, apat na piraso ng lata ng sardinas, 4 na lata ng corned beef o beef loaf, at 6 na sachets ng coffee o cereal energy drink na sapat para sa dalawang araw sa bawat pamilya na may limang miyembro.

Tinitiyak ng DSWD na makakarating sa mga sa Local Government Units ang mga relief goods alinsunod sa kanilang kahilingan para sa kanilang constituents.

Sa ngayon ay abot na sa P45 million ang halaga ng mga Family Food Packs ang naipamahagi ng DSWD sa mga LGUs sa buong bansa.

Facebook Comments