Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makipag-ugnayan sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa kakailanganing water purifier.
Ito’y para matiyak na mahahatiran ang mga nasalanta ng Bagyong Kristine ng malinis na tubig.
Ayon sa pangulo, kailangang maging kritikal ang pamahalaan pagdating sa inuming tubig sa mga apektadong lugar ng bagyo.
Partikular sa sitwasyon ng displaced families o ang mga inilikas at nasa evacuation center.
Dapat aniyang maiwasan ang mga posibleng sakit na makukuha ng mga ito dahil sa kawalan ng access sa malinis na maiinom na tubig.
Facebook Comments