Pagpapadali ng procurement law, tinalakay sa sectoral meeting sa Malacañang

Courtesy: RTVM

Inilatag ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga isinusulong na amyenda sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act.

Ito ay ng para matugunan ng pamahalaan ang underspending ng ilang ahensya ng gobyerno sa kanilang 2023 budget.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, kabilang sa mga hakbang na ito ang innovative procurement methods, o ang pagdagdag sa mga paraan ng pag-bili ng supply ng pamahalaan, at maayos na procurement process.


Pinakaimportante rin aniya sa mga hakbang ay ang procurement planning at budgeting, dahil kung hindi aniya tama ang pagpaplano sa procurement ng gobyerno, magreresulta ito ng fail bidding.

Nabatid na sa ₱5.268 trillion na 2023 budget ng bansa, 25% o ₱1.3 trillion dito ang para sa procurement.

Samantala, sinabi naman ni Pangandaman na suportado ni Pangulong Marcos Jr., ang mga pag-amyendang ito.

Facebook Comments