Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang economic team ng pamahalaan na bawasan ang red tape sa bansa.
Sa talumpati ni Pangulon Marcos Jr., sa JG Summit Petrochemicals Manufacturing Complex sa Batangas, sinabi nito na nahahadlang ng red tape ang pag-unlad ng bansa.
Dapat aniya ang maibigay sa mga foreign investors maging sa local investors ay red carpet.
Dagdag pa ng pangulo na magiging trabaho din ng economic team ang palakasin ang insentibo para sa mga negosyante at lalo pang palakasin ang pagtataguyod ng ‘ease of doing business’.
Hindi rin aniya tama na pinahihirapan ang mga negosyante sa paraang patawan ang mga ito ng mabigat na pagbabayad ng buwis.
Facebook Comments