Pagpapadami ng mga public universities na nago-offer ng medical programs, mas tutukan ng CHED sa susunod na tao

Ipagpapatuloy ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapadami ng mga public universities na nago-offer ng medical programs sa susunod na taon.

 

Ito ay upang maresolba ang kakulangan ng nars sa bansa.

 

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera III na nakikipag-ugnayan rin sa mga private schools na may medical programs na magkaroon ng scholarship upang mas marami ang maka-enroll.


 

Ayon kay De Vega, una nang inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tutukan ang kakulangan ng nars sa bansa.

 

Kaya naglatag na aniya sila ng long term, medium term na mga programa.

 

Tututukan din aniya sa 2024 na mabigyan ng review class ang mga nagtapos na ng nursing course pero hindi pa nakapasa sa board exam.

Facebook Comments