Pagpapagaan sa mga alintuntunin sa pagbebenta ng imported na baboy sa bansa, pinaplano na ng gobyerno

Pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagpapagaan sa mga alintuntuning ipinatutupad para sa pagbebenta ng imported na baboy sa buong bansa.

Ito ay matapos mahigitan ng presyo ng baboy sa labas ng National Capital Region (NCR) ang 2 percent hanggang 4 percent target na presyo ng gobyerno dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, kailangang mapagaan ang regulasyon sa pegbebenta ng baboy para sa kapakanan ng publiko.


Matatandaang una nang inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 133 na nagtataas sa Minimum Access Volume (MAV) ng pork imports sa 254, 210 metric tons mula sa 54,210 metric tons.

Facebook Comments