Inihahanda na ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo ang ihahaing panukalang batas na layuning mabigyan ng tulong ng pamahalaan sa pagpapagamot ang mga batang may sakit na biliary atresia.
Ayon kay Tulfo, nasa 200 ang mga sangol sa bansa na may biliary atresia na isang hindi pangkaraniwang sakit na may kinalaman sa atay.
Binanggit ni Tulfo na liver transplant ang tanging solusyon dito na aabot sa halos 2-milyong piso ang gastos at sa India lang ginagawa.
Sabi ni Tulfo ang mga paslit na may sakit ay galing sa mga mahihirap na pamilya kaya hindi nila kaya ang gastos sa pagpapagamot at lubhang kailangan ang tulong ng gobyerno.
Facebook Comments