Manila, Philippines – Sa lalong madaling panahon ay agadnang masisimulan ang pagpapatayo at pagpapagawa pa ng mga pasilidad sa sa Pag-Asa Island.
Ito ang tiniyak ni Defense Sec. Delfin Lorenzana matapos na utusan itong maginspeksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pag-Asa Island para matukoy ang mga ipapagawa at pagagandahin pang pasilidad.
Sa prescon na isinagawa sa pagasa island sinabi ni Lorenzana na unang unang ayusin sa lugar ay ang runway ito ay upang makalapag na rin dito ang ilang eroplano.
Makakatulong aniya ito sa turismo ng palawan dahil magiging isa na ring tourist destination ang Palawan.
Pagagandahin din ang supply ng malinis na tubig at kuryente para sa mga residente.
Aayusin din ang barracks ng mga sundalo para mas maging komportable ang mga ito.
Inihayag naman ni Lorenzana na aabot sa 1.6 bilyong piso ang inilaang pondo sa pagpapatayo at pagpapaganda ng pasilidad ng Pag-Asa Island.
Ang pondong ay pinagsasamang pondo mula sa DND, lokal napamahalaan ng Palawan at iba pang sector.
Pagpapaganda at pagsasaayos ng mga pasilidad Sa Pag-Asa Island sisimulan sa lalong madaling panahon
Facebook Comments