PAGPAPAGANDA NG BAGUIO MARKET, KAILANGAN NG PAMPUBLIKONG KONSULTASYON!

Baguio, Philippines – Ipapasa ngayong araw na ito (Hulyo 29,2020) ng Public-Private Partnership for the People (P4) sa City Council, ang proposal at proyekto ng dalawang malalaking kumpanyang kuwalipikado sa pagpapaganda ng Baguio City Public Market para sa pampublikong konsultasyon.

Sinisigurado ni Baguio City Councilor Philian Weygan Allan sa publiko, na mapapakinggan ang panig at komento ng madla bago magkaroon ng maayos at huling  desisyon ang gobyerno sa pagsasa-ayos at pagpapaganda ng lokal na palengke.

Samantala, Ang Tongtongan Ti Umili – Cordillera Peoples Alliance (TTU-CPA) ay kontra sa dalawang malalaking kumpanyang hahawak ng proyekto.


Ayon kay Secretary-General ng TTU-CPA, Jeoff Larua, maganda ang hangarin ng gobyerno sa pagpapaganda ng lokal na palengke ngunit kung malalaking kumpanya ang hahawak sa proyekto, malaki din ang magiging singil ng mga ito sa mga tao na magdudulot ng pasakit kaysa pag-unlad.

Nanawagan din ang Secretary-General sa publiko sa isang testamento;“We continue to call on the people to unite against this threat to the livelihood of our fellow i-Baguios. We have defended the public market against Uniwide before. We will continue to do it today, even in this pandemic. We want modernization without the takeover of corporate giants. We, as tax-paying and law-abiding people, should have a say in the course of the development of our city. We deserve no less.”

Malalaman din ng publiko ang panig ng dalawang malalaking kumpanya hinggil sa kanilang planong pagpapaganda ng palengke at kung ano ang kanilang masasabi sa mga kontra sa hakbang nila sa darating na public consultation.

Facebook Comments