PAGPAPAGANDA NG COMMUNAL GARDEN NG CARABATAN GRANDE, PRAYORIDAD

CAUAYAN CITY- Nagkakaisa ang pamunuan ng Brgy. Carabatan Grande para sa pagpapaganda at pagsasaayos ng kanilang communal garden sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Maribel Rodriguez, kabilang ang kanilang barangay sa sampung barangay sa Lungsod na napabilang bilang may pinakamagandang communal garden.

Aniya, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na napabilang sila rito at umaasa silang makukuha nila ang kampeonato ngayong taon.


Samantala, isa sa mga agaw pansin sa kanilang communal garden ay ang mga naggagandahan at makukulay na disenyo at palamuti na gawa sa mga recycled materials.

Facebook Comments