PAGPAPAGANDA NG MGA PROYEKTONG PANG-IMPRASTRAKTURA, ISA SA MGA NAKIKITA NG ILANG PANGASINENSE NA MAGPAPA-ANGAT PA SA TURISMO SA LALAWIGAN

Pinasinayaan na kamakailan ang Tourist Rest Area dito sa kabisera ng Pangasinan, ngunit ang tanong, sapat ba ito para mahikayat ang mga local at foreign tourists na bisitahin ang mga tourist destinations sa lalawigan?

Bukod sa inilunsad na kauna-unahang Tourist Rest Area sa lalawigan, isa rin sa nakikita ng ilang Pangasinense na maaari pang magpa-angat ng turismo sa Pangasinan ay ang pagpapaganda ng mga proyektong pang-imprastraktura na may kinalaman sa turismo at pagkakakilanlan ng lalawigan.

Ilan sa mga bumibisita sa lingayen beach, na kalapit ng Tourist Rest Area, ay mga kapwa Pangasinense na mula sa ibang bansa at muling umuwi sa lalawigan upang pasyalan ang iba’t ibang tourist destinations.

Ayon naman sa Department Head ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) na si Malu Amor-Elduayan, bukod sa pagpapakilala ng iba’t ibang tourist spots at destinasyon, isinusulong din nilang maitampok sa Tourist Rest Area ang mga lokal na produktong gawa ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEs sa lalawigan.

Samantala, bukas ang Tourist Rest Area mula Lunes hanggang Linggo at handang tumugon sa mga local at foreign tourists na bibisita hindi lamang sa bayan ng Lingayen kundi pati sa iba’t ibang destinasyon sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments