Pagpapaganda pa sa relasyon ng Tausug Muslim Community at mga residente ng Sulu, mas tinututukan ni AFP Chief Gapay

Upang mas maging maganda ang relasyon ng militar sa pagitan ng Tausug Muslim Community at sa mga residente ng Sulu, nakipagpulong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay sa mga local officials at religious leaders ng Sulu.

Ayon kay Gapay, ginawa niya ang pakikipagpulong para manawagan ng pagkakaisa at kooperasyon sa mga taga-Sulu.

Sa pagpupulong, nilinaw rin ni Gapay na hindi niya sinabi na ang mga Madaris, Muslim private school sa Mindanao, ang nagtuturo ng radikalisasyon sa lalawigan.


Tiniyak ni Gapay na buo ang suporta ng AFP sa mga kapatid na Muslim para sa layuning matamo ang ganap na kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.

Aniya, malaki ang papel na ginagampanan ng mga Muftis, Imam at ng mga Local Chief Executive sa pagpapalaganap ng aral ng Islam na pag-iwas sa karahasan gayundin ang pakikipagkapwa-tao.

Facebook Comments