Pagpapaganda sa Serbisyo ng Pasig River Ferry System, isinusulong

Isinusulong ang pagbuhay at pagpapaganda ng Pasig River Ferry System bilang alternatibong transportasyon.

Ayon kay MMDA Spokesperson, Asec. Celine Pialago, matagal nang gumagana ang Ferry Service pero marami pa ang dapat gawin para mapagbuti ito.

Sa 14 na Ferry Stations, 11 ang operational.


Ang istasyon sa punta sa Sta. Ana Maynila ay hindi natapos ang pagtatayo.

Giniba naman ang Plaza Mexico Station para sa pagtatayo ng Binondo-Intramuros Bridge.

Ang PUP Station sa Maynila, ay hindi magamit dahil sira ang docking platform.

Mayroon lamang na siyam na passenger boat ang Ferry System.

Sa reklamo naman na mabaho ang Ilog Pasig, sinabi ng Pasig River Rehabilitation Commission ay depende ito sa season.

Kung summer ay inaasahang babad ang tubig kaya nagkakaroon ng amoy pero kapag tag-ulan ay walang amoy na mabaho sa ilog.

Facebook Comments