Pagpapagawa ng birth certificate, passport, at driver’s license, aabot ng ₱300,000

Aabot umano sa halagang ₱300,000 ang bayad para makakuha ng birth certificate, passport at driver’s license.

Ito ang impormasyong nakuha ni Senator Sherwin Gatchalian matapos lumabas ang balitang may 200 na pekeng birth certificates ang natuklasan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa civil registry ng Sta. Cruz, Davao del Sur at ang mga ito ay pawang mga Chinese nationals.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, may nakausap siya mula sa Chinese community at sinabi sa kanya na ang “running price” o halaga para makakuha ng birth certificate, kasama na ang pasaporte at driver’s license ay nasa ₱300,000.


Walang duda aniya na mayroon talagang sindikato sa loob ng Philippine Statistics Authority (PSA) at sa mga local civil registry.

Babala ni Gatchalian, sadyang naabuso nang husto ang late registration kaya dapat na maayos na ngayon ang problemang ito.

Facebook Comments