Pagpapahalaga sa Rule of Law, ipinaalala ni Chief Justice Bersamin sa mga taga-hudikatura

115

Manila, Philippines – Ipinaalala ni Chief Justice Lucas Bersamin na sa pagseserbisyo sa hudikatura dapat na manaig ang pagkilala sa Rule of Law.

Sa kanyang pagsasalita sa 65th Founding Anniversary ng Court of Tax Appeals, hinikayat din ng chief justice ang mga mahistrado at empleyado ng hudikatura na manatiling naka-focus sa kanilang mga trabaho at responsabilidad.


Ipinaalala rin ni Bersamin na ang pangunahing tungkulin ng mga opisyal at tauhan ng hudikatura ay ang pagsilbihan ang taongbayan.

Ang Court of Tax Appeals ay isang appellate court na may hurisdiksyon sa civil tax cases, gayundin sa local tax cases, property taxes at final collection ng mga buwis.

Facebook Comments

From Advertisers