Pagpapahayag na banta ang China o iba pang basa sa isyu ng WPS, hindi kasama sa trabaho ni VP Sara Duterte

Pumalag si Davao City Representative Paolo Duterte sa batikos ng grupong Akbayan sa pananahimik ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Binigyang diin ni Congressman Duterte na hindi kasama sa trabaho ni VP Sara Duterte na palabasing masama o banta ang China o alinmang bansa kaugnay sa isyu ng WPS.

Iginiit ni representative Paolo na ang pagkwestyon sa mga aksyon ng Chinese vessels sa West Philippine Sea ay dapat idirekta sa chief architect ng foreign policy gayundin sa mga kalihim ng Department of National Defense at Department of Foreign Affairs.


Umaasa rin si Duterte na ang pananalita ng grupo ay walang kinalaman sa rason kung bakit may mga insidente sa WPS.

Sa nagdaang Holy Week ay sinabi ni Duterte na sana ay isinama sa pagmumuni-muni ng Akbayan kung bakit palagi nitong ibinabaon ang lahat sa ikalawang pangulo katulad ng pagbaon ng pako ng ipako sa krus ang Panginoong Hesukristo.

Facebook Comments