Manila, Philippines – Nilinaw ni Agriculture SecretaryEmmanuel “Manny” Piñol na walang rice shortage o kakulangan ng suplay ng bigassa bansa.
Kasunod na rin ito ng negatibong report ng New York–basedthink tank na global source na maaring umakyat ang presyo ng bigas kungmagiging prayoridad ng pamahalaan ang pagbili sa mga lokal na bigas.
Pero ayon kay Piñol, ang lumabas na ulat hinggil sapagbabawas ng rice importation ay mas magbibigay ng karagdagang kita sa mgalokal na magsasaka.
Anya ang pagpapalabas ng mga ganitong pananakot aysiguradong pakana ng mga ilegal na rice traders.
Paglilinaw pa ng kalihim, kailanman ay hindi sinabi ni PangulongDuterte na ihinto ang pag-aangkat ng bigas kundi sinabi lang nito na huwag munangpahintulutan ang pag-aangkat tuwing kasagsagan ng pag-aani.
Una nang nanawagan ang National Food Authority para saagarang pag-aangkat ng 250,000 toneladang bigas para sa buffer stock ng bansa.
Pagpapahinto ng Pangulong Duterte sa pag -aangkat ng bigas ng bansa – nilinaw ng Dept. of Agriculture
Facebook Comments