Nagbabala si House Committee on Metro Manila Development Vice Chairman at Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice na mas marami pang aksidente ang posibleng mangyari sa paggamit ng EDSA Busway.
Ito ang pahayag ng mambabatas matapos magkaroon ng tatlong concrete related accident sa EDSA Busway nito lamang buwan.
Sa interview ng RMN Manila, binigyan diin ni Erice na ang busway ay isa lamang band-aid solution at lubhang mapanganib para sa mga commuters at motorista.
Banta ni Erice, sakaling ipagwalang bahala ito ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority, handa siyang maghain sa korte ng petisyon upang ipahinto ang pagpapatupad ng EDSA Busway.
Samantala, sa interview ng RMN Manila, iginiit ni MMDA Traffic Head Bong Nebrija na ligtas gamitin ang busway at ang mga walang disiplinang driver lang ang dahilan ng mga aksidente.
Binigyan diin nito na ang bilang ng aksidente ay 0.004% lang kumpara sa mahigit 30,000 na mga bus na kabuuang bilang na dumadaan sa EDSA Busway sa kaparehong araw.
Nasa 3.2 hanggang 3.5 meter din aniya ang lapad ng EDSA Busway na sakto lamang para sa less than 60km/hr na takbo ng isang bus.