Pagpapahinto sa operasyon ng motorcycle taxi, hindi na matutuloy

Kinumpirma ni Senator Christopher Go na tuloy ang operasyon ng mga motorcycle taxi sa kabila ng utos ng Department of Transportation (DOTR) na panghuhuli sa mga rides nito.

 

Ayon kay Go, hindi na itutuloy ang rekomendasyon ng Inter-agency Technical Working Group (twg) na pagterminate o paghinto sa pilot testing ng mga motorcycle taxi.

 

Aniya, kinausap na rin niya si Transportation Sec. Arthur Tugade at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra hinggil rito.


 

 

Giit ni Go, ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na mawalan ng trabaho ang mga riders ng motorcycle taxi kaya ititigil na ang panghuhuli sa mga ito.

 

Facebook Comments