Hindi katanggap-tanggap para kay House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang Republic Act 12027 na nagpapahinto sa paggamit ng “mother tongue” sa pagtuturo sa Kinder hanggang Grade 3.
Giit ni Castro ang hakbang na ito ay paatras mula sa layuning mabigyan ng deklidad na edukasyon ang mga kabataang Pilipino.
Dismayado si Castro na sa pag-review ng Department of Education (DepEd) sa Matatag curriculum ay napapabayaan nito ang mga subjects at methodologies na mahalaga sa critical thinking at pagmamahal sa bayan.
Diin pa ni Castro, ang pag-abandona sa mother tongue ay pagtalikod sa iba’t ibang wika ng bansa at ang ambag nito sa iba’t ibang kultura na mayroon ang ating Pilipinas.
Bunsod nito ay hiniling ni Castro sa DepEd na pag-ibayuhin ang implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education Program sa pamamagitan ng paglaan ng sapat na pondo dito sa halip na tuluyan itong abandonahin.