Tiwala si House Committee On Basic Education and Culture Chairman and Pasig Representative Roman Romulo na makakatulong sa pagpapa-angat ng kalidad ng edukasyon ang Republic Act 12027.
Ito ang bagong batas na nagpapahinto sa paggamit ng “mother tongue” sa pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 3.
Ayon kay Romulo, ang paggamit sa pagtuturo ng iisang lenggwahe na alam ng mas nakararami, tulad ng Filipino, ay may malaking maitutulong para mapahusay ang reading comprehension o kakayahang magbasa at umunawa ng mga batang mag-aaral.
Sabi ni Romulo, hindi pa rin naman mawawala ang mother tongue o lokal na lengwahe sa mga rehiyon o lalawigan lalo na kung magkakaroon ng asignatura hinggil dito.
Facebook Comments