Pagpapahinto sa pagpapadala ng seasonal workers sa South Korea, agad sinuportahan ng isang kongresista

Buo ang suporta ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa desisyon ng Department of Migrant Workers (DMW) na ihinto muna ang pagpapadala ng seasonal workers sa South Korea.

Naniniwala si Magsino na ang nabanggit na hakbang ay magbibigay ng pagkakataon sa DMW, Dept of Foreign affairs at Department of the Interior and Local Government (DILG) para magtulungan sa paglalatag ng mas malakas na mekanismo.

Sabi ni Magsino, layunin nito na mabantayang mabuti ang sitwasyon ng mga OFWs upang matiyak ang kanilang kapakanan lalo na ang maayos at makatarungang kondisyon nila sa trabaho.


Una rito ay isinulong ni Magsino na imbestigahan ng Kamara ang recruitment at deployment ng seasonal workers sa naturang bansa sa isalim ng ‘LGU-to-LGU’ agreement.

Ito ay makaraang idulog sa kanya ng mga OFW sa South Korea ang mga paglabag at hindi magandang dinaranas nila sa ilalim ng naturang programa.

Facebook Comments