Muling magpupulong ang Metro Manila Mayors (MMC) kaugnay sa pagpapahintulot sa mga kabataang makabiyahe na sa labas ng tahanan na hindi pa nabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kailangan nilang ikonsidera ang kautusan matapos magpositibo sa virus ang 2-taong gulang na batang lalaki matapos bumisita sa mall.
Dadalo rin sa pulong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr.
Tiniyak naman ng MMC na hindi makakaapekto sa ipinatutupad na Alert Level 2 sa Metro Manila ang nangyaring ito.
Facebook Comments