Pagpapahusay sa kakayahan ng LGUs na tumugon sa mga kalamidd, iginiit ng dalawang Senador

Iginiit nina Senators JV Ejercito at Sonny Angara sa mga Local Government Units o LGU na pag-ibayuhin ang hakbang at kakayahan sa pagtugon sa mga kalamidad.

Diin ni Ejercito, dapat palakasin at pataasin ang antas ng preparasyon ng lahat ng komunidad laban sa mga kalamidad tulad ng lindol.

Iginiit naman ni Senator Angara sa mga LGUs na gugulin sa mga makabuluhang proyekto ang kani-kanilang pondo tulad ng Disaster Planning and Risk Management.


Pinayuhan din ni Angara ang LGUs na ipatupad ng mahigpit ang building code, limitahan ang development projects sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna at maglatag ng maaayos na relocation at evacuation sites.

Pinalala din Angara sa mga LGUs ang pagtupad sa nilalamang probisyon ng R.A. 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Base sa naturang batas, inaatasan ang lahat ng LGUs na ilaan ang 5 porsyento ng kanilang kabuuang kita para sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund upang masuportahan ang pagresolba sa pinsalang dulot ng anumang trahedya.

Facebook Comments