
Protektahan ang mga border ng bansa at siguruhing transparent at epektibo ang pangongolekta ng kita ng pamahalaan.
Ito ang unang marching orders ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno.
Ayon kay Pangulong Marcos, malaki ang papel ng BOC para makalikom ng kita ng pamahalaan, maprotektahan ang pambansang seguridad, at patuloy na maisulong ang matatag na ekonomiya ng bansa.
Bukod dito, dapat ding tutukan ng Customs ang paglaban sa iligal na kalakalan, pagsusulong ng lehitimong komersiyo, at pagpapaigting ng border control.
Kahapon ay opisyal nang nanumpa kay Pangulong Marcos si Nepomuceno bilang Customs commissioner.
Pero bago ang kaniyang pagkakatalaga, nagsilbi muna siyang Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Undersecretary ng Office of the Civil Defense (OCD).
Naging deputy at assistant commissioner ng Customs sa ilalim ng Aquino at Duterte administration.









