`Iminungkahi ng isang mambabatas sa La Union ang pagsasabatas ng pinalakas na Doctors to the Barrios o DTTB Program ng Department of Health sa lalawigan.
Pokus ng programa na dalhin sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA ang mga healthcare services, maging sa mga rural health units at district hospitals.
Bukod pa rito, tinitignan din ang posibilidad na makapagtatag ng Hospital Management Office ang Pamahalaang Panlalawigan na tututok sa operasyon ng mga ospital.
Bilang pagbabantay sa kalusugan, plano ring patatagin ang mga hakbang upang makamit ang pagiging smoke-free na lalawigan na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









