Pagpapaigting ng kampanya laban sa CPP NPA, prayoridad ng bagong AFP Chief

Nananatiling prayoridad ng bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief ang pagpapaigting ng kampanya kontra Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ang isa sa mga marching orders ng bagong talagang AFP Chief of Staff na si Lt/Gen. Bartolome Vicente Bacarro sa isinagawang Command Conference kahapon.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, mahigpit ang atas ng bagong AFP Chief sa lahat ng kanilang mga commander na paigtingin pa ang kampanya kontra mga rebelde.


Sumentro rin aniya ang pulong sa pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang kanilang layuning matuldukan na ang insurgency sa bansa.

Sa datos ng AFP, aabot na lamang sa 2,000 ang bilang ng mga rebelde na nakakalat sa buong bansa kaya’t malaki aniya ang tsansang mabura na ito sa panahon ng panunungkulan ni AFP Chief of Staff Bacarro.

Facebook Comments