Pagpapaigting ng presensya at patrol operations ng mga pulis sa buong bansa, ipinag-utos ni PNP Chief Marbil

FILE PHOTO

Nagbigay ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa lahat ng regional, provincial, city at municipal police stations sa bansa na paigtingin ang kanilang patrol operations.

Kasama rito ang pagpapaigting sa foot patrols, Oplan Galugad, motorcycle patrols at Oplan Sita.

Ani Marbil, sa pamamagitan ng malakas na presensya ng mga pulis sa mga pampublikong lugar ay mas magiging ligtas ang mga komunidad.


Bahagi rin ng direktiba ni PNP Chief Marbil ang 85% na mga police personnel sa bansa ay maging aktibo sa field duties at bawasan ang kanilang office work.

Nais kasi ni Gen. Marbil na mabilis o agarang makapagresponde ang mga pulis na layong mapigilan ang paglaganap ng krimen at upang makabuo ng tiwala at suporta mula sa publiko.

Facebook Comments