Isa sa nauuna pa ring sakit ng lipunan ay ang hindi matapos tapos na pang-aabusong nararanasan ng mga kababaihan at kabataan sa ibat ibat aspeto ng kanilang pamumuhay kahit pa man may batas nang nakasklaw sa ganitong klaseng usapin.
Sa isinagawang pagpupulong Municipal Administrator at ng MSWDO ng Bayambang, pinag-usapan ang Local Council on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) para sa pagpapaigting ng proteksyon para sa mga kababaihan at mga bata sa kanilang bayan.
Sa pag-uusap na ito ay natalakay rin ang pagpaplanong pagkakaroon ng Men’s Summit sa darating na Hunyo.
Sa summit na ito ay matatalakay ang ilan sa mga mainit na usapin pagdating sa men’s issue partikular sa mga maling umiiral na pananaw ng mga karamihan sa kalalakihan upang humantong sila sa lumabag sa VAWC.
Samantala, kasama rin sa naganap na pagpupulong ang ilang kawani ng RHU, PNP, KALIPI at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan. |ifmnews
Facebook Comments