PAGPAPAIGTING NG SEGURIDAD SA PAGGAMIT NG DIGITAL PAYMENTS, SINIGURO NG BSP

Tumataas pa ang bilang ng mga establisyemento sa buong bansa na gumagamit ng Digital Payments nangangahulugan ng kalakip na pagpapaigting ng seguridad ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon kay BSP Deputy Governor for Regional Operations and Advocacy Sector, Bernadette Puyat, patuloy nilang isinusulong ang partnerships sa iba pang lokal na pamahalaan.

Samantala, dahil sa pagdami ng scammers, patuloy rin nilang isinusulong ang financial education upang masawata ang mga nambibiktima.

Hinikayat ni Puyat ang publiko na maging wais sa paggamit ng digital payments kabilang na ang online banking. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments